Biyernes, Hunyo 18, 2021

July 18,2021 Proverbs 11

 Text:

Proverbs 11:2

When pride comes, then comes disgrace,
    but with humility comes wisdom.

Understanding and Application:

Kanina may nakaaway nanaman akong dalawang crew, kasi nakakabadtrip yung mga bunganga nila, then naalala ko yung devotion ko about sa karunungan tapos yung 7 rules ko nga, kaya pray ako agad kay Lord, siya nalang kinausap ko para maging kalmado ako habang nakashift, then now naman sobrang antok ko pero nagpray padin ako kay lord kasi need ko parin ng guidance niya specially may work ako bukas or mamayang 12am then iyan yung sinabi niya sakin through his words. Ang pride ko kasi eh di ko kayang tumanggap ng pagtatama sakin ng ibang tao, kumbaga namimili ako ng magcocorrect sakin so yun puro away nangyayare sakin, which is wrong dapat kalamdo kalang lagi wag kang masyadong O.A din magreact to avoid misunderstanding. Maybe mali talaga sila pero mas mali kasi kung papatol kapa kaya shatap ka nalang. Sabi nga diba sa Proverbs 11:13wala talagang maitatagong salita sa mga madadaldal which is super iba sa definition ng isang trustworthy, kaya wag kang ganon sa kadaldalan din kasi natin madalas tayo napapahamak. Lord, salamat po ng madami kayo napo bahala sa akin mamaya, Lord help me to lessen my pride and to strengthen my patience oh Lrd salamat po.

Huwebes, Hunyo 17, 2021

July 17,2021

 Text:

Proverbs 10:4

Lazy hands make for poverty,
    but diligent hands bring wealth.

Understanding and Application

Ngayon talaga ay nagiisip ako kung saan kaya kukuha ng pangbayad si mama for my tuition fee, kasi sa National University parin ako magaaral, at di naman na ako pinapaaral nila mommy. Kaya nag pray ako kay lord kung ano man yung ibibigay niya sa akin ngayong gabi tapos nabasa ko is more about pangiimpok or pagiipon. Tapos nabasa koyang verse 4 na siyang naka-hit sa akin ng sobra sobra. Need ko na talaga mag-ipon for my tuition fee, kasi di madaling humanap ng pera now. Need ko mag-Ipon for my future, ewan ko ba habang nagbabasa naiisip kona need kona mag ipon for my brother and sister's college life, kasi sobrang hirap ng walang pera pagdating sa future, pero kagaya nga ng sabi ni Lord sa Proverbs 8:30, lagi ko siyang kasama a never niya ako iiwan. Kaya dapat magsipag pa kami lalo for our future kasi kami kami nalang magtutulungan. God is always there for us pero need parin natin kumilos. God 6thank you for this revelation Lord help me O lord sa mga bagay na mangyayare sa journey ko sa NU kayo napo bahala sakin :<

Miyerkules, Hunyo 16, 2021

July 16,2021 Proverbs 9

 Text:

Proverbs 9:8-12

Do not rebuke mockers or they will hate you;
    rebuke the wise and they will love you.
Instruct the wise and they will be wiser still;
    teach the righteous and they will add to their learning.

10 The fear of the Lord is the beginning of wisdom,
    and knowledge of the Holy One is understanding.
11 For through wisdom[a] your days will be many,
    and years will be added to your life.
12 If you are wise, your wisdom will reward you;
    if you are a mocker, you alone will suffer.


Understanding and Application


SO TODAY YUNG PINAKA MAKASALANAN KONG ARAW. Andami ko nanamang nagawa na mga bagay na alam ko namang mali, kaya niremind nanaman ako ni Lord. Ni-remind niya sakin yung importance ng pagsunod sa kaniya at sa mga callings niya, kasi yun yung tunay na karunungan. If you realyy seek for that knowledge and wisdom dapat makinig ka talaga kay Lord. May mga oras talaga na alam nating mali pero dahil nakasanayan na natin ay dina natin mapigilan gawin. Pray lang, kasi dimo kayang pigilan yun mag-isa, si Lord lang ang makakaalis niyan sa buhay mo. Lord please wag niyo po ako hayaan na mabitag ulit as I slowly unlocked myself from the cage I've made 2 years ago. Lord kayo po ang tuluyang lumakad sa buhay ko Lord wag na wag niyo po ako hayaan na masilo po ng mga kaaway bagama't ay tulungan niyo po ako lumaban kagaya po ng sabi niyo po sa Proverbs 9:30. Salamat po sa words niyo po ngayon. 

Martes, Hunyo 15, 2021

July 15,2021 Kawikaan 8

 Text:

Proverbs 8: 12

“I, wisdom, dwell together with prudence;
    I possess knowledge and discretion.

Proverbs 8:30

 Then I was constantly[e] at his side.
I was filled with delight day after day,
    rejoicing always in his presence,


Understanding and Application:


I asked God tungkol sa pagaaral ko sa PUP at sa kung ano mang bagay na nais niyang ipakita sa akin ngayong gabi. Then yung first verse yun yung binigay niya sa akin na dapat kong pahalagahan. yung bagay na gusto niya sabihin sa akin. Iba parin kasi talaga pag may kaalaman ka dito sa undo eh, pero it won't happen instantly unless God gave it to you. Sa kaniyanagmumula ang tunay na karunungan na kelan man ay di malalamangan ng mga taong makamundo, Alwasy pray to our God for that knowledge and wisdom siya yung tutulong sayo para kahit na sobrang hirap na ng mundo siya ang magiging katulong mo para malagpasan lahat ng pagsubok. I was also praying about PUP, hindi man nasagot ni Lord ng Yes,No or Wait directly yung prayer ko pero pinaalala niya sakin na God is always by my side, wag ako mangangamba kasi kasama ko siya. If it is his will thenit shall become no need na sa pagwoworry dahil basta kay Lord yakang yaka yan. Lord thank you sa mga revalations mo sa akin ngayon, kahit medyo na-out of focus ako now, ikaw padin Lord yung nagadjust sakin para maparating mo yung word mo sa akin. Maraming maraming salamat po talaga Lord. Hallelujah.

Linggo, Hunyo 13, 2021

July 14,2021 Kawikaan 4 and 5

 Text:

Proverbs 4:23

Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.

Proverbs 5: 1-4

My son, pay attention to my wisdom,
    turn your ear to my words of insight,

that you may maintain discretion
    and your lips may preserve knowledge.

For the lips of the adulterous woman drip honey,
    and her speech is smoother than oil;

but in the end she is bitter as gall,
    sharp as a double-edged sword.


Application and Understanding:


so yun nga  kanina bigla nalang pumasok sa isip ko yung ano kaya pakiramdam ng may jowa ka. Yung may sumusundo sayo, yung alam mong may nagiintay sa paguwi mo, may kayakap ka sa malamig na gabi, yung may nagpapakomportablesayo sa init ng panahon. Na-miss kona magka-jowa ulit. Inaatake nanaman ako ni Taning kanina so naisipan ko na dapat talaga akong magdasal, at humingi ng tulong kay Lord kasi nga delikado nato, magiging marupok nanaman ako kaya yan ang sermon sakin ni Lord for now. Bago ko mabasa yang verse nayan ilang beses muna pinaalala sakin ni Lord sa buong verse 4 yung pakinggan ko daw lahat ng utos niya sakin at lahat ng pagalit. Until nabasa ko yan. God want me to protect my heart maybe kasi di man ngayon or sooner ay may tao nanamang dadalhin si taning sa buhay ko, tapos yun masasaktan nanaman ako kasi marupok ako at iseset aside ko yung sermon ni Lord kasi nga mahal ko eh. Kaya siguro ngayon palang binabantaan na ako ni Lord. May mga tao kasi na dadating sa buhay natin para sirain lang tayo, yung mga tao na akala natin si forever n pero yun pala sasaktan kalang. Dapat kasi wag magdali sa love, hintayin mo si Lord iiyak mo lahat kay Lord yang drama mo sa heart,kung allam mong mali itigil na wag mona hayaang ipilit mopa kasi at the end masasaktankalang. Tapos wag na wag kang marupok, always guard your heart wag na wag ka magpapadala sa mga matatamis na salita nila, kasi madalas hanggang dun sila, wait niyo na iprove nilasarili nila  sayo at kay Lord tapos ipagpray mo muna siya para dika masaktan nanaman. Ingat ingat tayo mga kapatid. Lord thank you nga pala ah, kasi pinaalala mo sa akin to. Hinding hindi ko dapat to malilimutan, pag naiisIip ko nanaman kadramahan ng lovelife ko ito lang babalikan ko, salamat talaga Lord ah  I love you Lord.

Sabado, Hunyo 12, 2021

July 13,2021 Proverbs 2 and 3

 Text 

Proverbs 2:4-5

and if you look for it as for silver
    and search for it as for hidden treasure,

then you will understand the fear of the Lord
    and find the knowledge of God.


Understanding and Application:


Iba parin talaga ang kaalaman ng karunungan na mula sa Diyos, Hindi lang pwede na maalam ka, or matalino kana sa buhay or madiskarte, iba parinkasi talaga pag yang mga bagay nayan ay galing kay Lord kasi mas mapapadali ka makuha yung success mo yung feeling na dimo dama yung pagod dahil araw araw blessed ka tapos puro love and promises ni Lord ang nasa buhay mo lang dimo maiisip yung mga paghihirap mo before mareach yung goal mo kasi tyung karunungan or wisdom from the Lord ang taglay mo eh, dimorinmaiisip maguyabang hence mas magiging mapagbigay kapa kasi gusto morin maranasan nila yung naranasan mo sa piling ni Lord eh. Kaya seek  for the wisdom na galing ni Lord, I know it was hard pero seek lang ng seek. Read the word of God meditate it at wag na wag kang magsasawa sa paghahanap sa kaniya. Maybe mahirap oo pero yung momemnt na i-blessed kana ni Lord it was unbelievable and irreplaceable. 


These are the following benefits that God will promise you (Hindi pa ito lahat kasi sup[er dami niyang promises satin na di mapapako kelan man to many to mention.)

Proverbs 2:8;12-15

for he guards the course of the just
    and protects the way of his faithful ones.

Wisdom will save you from the ways of wicked men,
    from men whose words are perverse,

who have left the straight paths
    to walk in dark ways,

who delight in doing wrong
    and rejoice in the perverseness of evil,

whose paths are crooked
    and who are devious in their ways.


Lord thank you po sa lahat, Guide me as I seek the wisdom from you o Lord, we can't do this alone lord jesus guide me thank you so much po.

7 rules to remember

 So itong rules na ito ay pwedeng gamitin kahit saan, pero nung4 nabasa ko kasi siya parang need na need ko siyaparqa sa mcdo nakakabadtrip na kasi sa mcdo joke. Pero yun nga gusto ko lang na maremind ako everyday, tapos si God pa nagbigay sakin nit o diba super love ako. I love you Lord.


7 rules to Remember
-pwede rin siya magamit outside sa work place

1.  Proverbs 3:5

Trust in the LORD with all your heart; and lean not to your own understanding.

Bago ka pumasok or kahit anong gagawin mo, specially kung nangangamba ka, pray kalang tapos tiwala kalang kay Lord, wag na wag ka magsasabi na kaya ko na ito or basic lang kasi naman nakasanayan mo na, tandaan mo may minsang biglaang pagsubok sa lahat ng bagay. Parang sa Mcdonald's, nasanay ka na pag weekdays unti lang costumer so petiks petiks kalang, eh biglang nag rush? ano ka ngayon masyadong mayabang tapos makakalimutan mo mag call kay Lord kaya sa sobrang rush mo dimo na maiwasan uminit ang ulo, magmuro, manigaw at iba iba pang madalas ko ding gawin. Pray muna mga bebi!

2.) Proverbs 3:21

My son, do not let wisdom and understanding out of your sight,
    preserve sound judgment and discretion;

Kalma kalang always be, kasi minsan di talaga maiwasan na mataranta ka or bigla ka nalang matriggered kasi napapansin mo na paulit ulit mona ginagawa or may nanggugulo pa sayo, or minsan sa mcdo, nasabi mona pero mali parin gagawin nila (ganto rin kasi ako) nakalimutan mo na ganon karin pala or minsan sa mga new hire nagmamataas na tayo, kapag mabagal sila or mali mali naiinis tayo imbis na intindihin natin sila, eh naging ganon din naman tayo. Lagi mong intindihin yung situation first, pero para magawa moyun need mo rin siyempre kumalma para makapagisip ka ng maayos.

3.) Proverbs 3:27

Do not withhold good from those to whom it is due,
    when it is in your power to act.

Ito ang pinaka maganda, Be polite always, maging mabait ka sa lahat, wag na wag mong ilagay sa utak mo yung (maging mabait ka sa taong deserve lang) Kahit satingin mo di sila deserved ng kabaitan mo, ngitian mo parin sila, kausapin mo sila ng maayos, be polite, kasi wala namang mangyayari kung sasabayan niyo yung init ng ulo nila eh, lalo na sa mga costumers niyo meron na kasing stigma na "Costumer's always right" kahit alam mong hindi yun ganun, hayaan molang remember the first 2 rules, pray kalang kay Lord at kalma lang,wala naman sigurong mawawala sayo pag naging mabait ka sa mga taong nangbubwisit ng araw mo.

4.) Proverbs 3:7

Do not be wise in your own eyes;
    fear the Lord and shun evil.

Wag na wag kang magmalaki sa kakayahan mo, maybe ahead ka sa iba pero so what? hayaan mo na mapansin nila achievement mo hindi yung magyayabang ka. For example may nakikita kang di gumagawa ng standard instead of saying "Standard bayan?" or sisigawan mo sila teach them the right way, bakit ikaw standard kaba simula pagpasok mo hanggang ngayon?
Be humble sa lahat ng bagay maging inside or outside man yan ng work

5.) Proverb 3:30

Do not accuse anyone for no reason—
    when they have done you no harm.

wag na wag kang mangaway lalo na kung di naman sila yung dahilan ng inis mo. Kunwari sinermonan ka ng manager mo kahit wala ka namang ginawa, wag mong ibaling sa iba yung inis mo porket dimo nasagot manager mo. Pwede ka namang magsalita pag may katwiran ka pero always remember the rule number 2, wag na wag mong hayaan na yung negativity na binigay sayo ng nega mong katrabaho ay ipasa mo sa iba, bad yun.

6.) Proverbs 3;29

Do not plot harm against your neighbor,
    who lives trustfully near you.

Ito ang wag na wag mong gagawin, be a true friend, wag na wag mong hayaan na idown mo yung friend mo or ibreak mo trust nila lalo na sa mcdo puro chismis, pag maykinwento sayo yung kaibigan mo shut up lang wag mo sila ibuking for the sake of other chika, ganto din kasi ako madalas, pero diko naman sinisiraan yung mga kaibigan ko, I need to be honest at andito naman si Lord para baguhin ako eh.

7.) Proverbs 3:28

Do not say to your neighbor,
    “Come back tomorrow and I’ll give it to you”—
    when you already have it with you.

Ito kung may kaya kang i-offer kahit simpleng help yan orpagtuturo ng tama sa ka work mate mo, gawin molang, wag na wag kang maging madamot in anyway lalo na kung kaya mo naman, basic rule lang ito pero sobrang hirap gawin pero it is very important as well no need for further explanation.


kung maaapply mo man ang mga ito sa araw araw itolang naman ang aasahan niyo for everyday of your life that was promised by our Lord.

Proverbs 3:23-24
Then you will go on your way in safety,
    and your foot will not stumble.
When you lie down, you will not be afraid;
    when you lie down, your sleep will be sweet.

Hallelujah Thank you Lord sa mga rules na binigay niyo sa akin na alam ko naman na makakatulong sakin not just physically, also socially mentally andspiritually iloveyou Lord!


July 18,2021 Proverbs 11

 Text: Proverbs 11:2 When pride comes, then comes disgrace,      but with humility comes wisdom. Understanding and Application: Kanina may n...